

1. LAYUNIN NG DIYOS PARA SAATIN:
​
Nilikha tayo ng Diyos sa Kanyang kasiyahan at kalooban
​
Pahayag 4:11
"11 Marapat ka, Oh Panginoon namin at Dios namin, na tumanggap ng kaluwalhatian at ng kapurihan at ng kapangyarihan: sapagka't nilikha mo ang lahat ng mga bagay at dahil sa iyong kalooban ay nangagsilitaw, at nangalikha. "
​
I Mga Taga-Corinto 10:31
"31Kaya kung kayo'y nagsisikain man, o nagsisiinom man o anoman ang inyong ginagawa, gawin ninyo ang lahat sa ikaluluwalhati ng Dios. "
Mga Awit 16:11
"11 Iyong ituturo sa akin ang landas ng buhay: nasa iyong harapan ang kapuspusan ng kagalakan; sa iyong kanan ay may mga kasayahan magpakailan man."
​
​
​
​
​
​
​
​
​
​
​
​
​
​
​
2. ANG PROBLEMA NG TAO: KASALANAN
Mas pinili ng tao ang suwayin ang Diyos kaysa sambahin Siya.
Mga Taga-Roma 3:23
"Sapagka't ang lahat ay nangagkasala nga, at hindi nangakaabot sa kaluwalhatian ng Dios; "
Ano ba ang ibig sabihin ng magkasala ang tao sa Diyos?
Ito ay ang paglabag sa kautusan ng Diyos(I Juan 3:4)
Nagkasala ang Tao sa pagsuway at paglabag sa kautusan niya.
​
​
3. KABAYARAN NG KASALANAN AY: KAMATAYAN
Sabi sa kasulatan ng Diyos...
Mga Taga-Roma 6:23
"Sapagka't ang kabayaran ng kasalanan ay kamatayan; datapuwa't ang kaloob na walang bayad ng Dios ay buhay na walang hanggan kay Cristo Jesus na Panginoon natin."
Ang taong makasalanan ang kabayan ay kasalanan, tayo ay patay sa harapan ng Diyos. Ang kasalanan na ito ay minana natin sa ating mga magulang si (Adan at Eba)
Ang ibig sabihin ng kamatayan dito ay pagkahiwalay. May tatlong uri ng pagkahiwalay dahil sa kasalanan ang resulta nito ay:
1. Patay tao spritiually sa harapan ng Diyos na naghiwalay sa atin sa Kanya(Ephesians 2:1)
2. Physical death na naghihiwalay sa kaluluwa ng tao na haharap sa Diyos sa paghuhukom(Hebrews 9:27)
3. Magpawalang hanggang na kamatayan na naghiwalay sa tao sa kanyang kaluluwa at katawan para pagbayaran ang mga nagawang kasalanan magpawalang hanggan sa Asupre o Impyerno(Revelation 20:5)
​
​
​
4. NGAYON SINO ANG MAKAKAPAGLIGTAS SAATIN UPANG BAYARAN ANG ATING MGA KASALANA?
Marami na ang nag nais na gumawa ng paraan upang malagpasan ang kamatayan, ang iba sabi sa relihiyon, sa gawa, sa mga naipundar natin o pagiging mabuting tao.. ngunit sabi sa Salita ng Diyos...
mga Kawikaan 14:12 "May daan na tila matuwid sa isang tao, nguni't ang dulo niyaon ay mga daan ng kamatayan. "
Tito 3:5a "Na hindi dahil sa mga gawa sa katuwiran na ginawa nating sarili, kundi ayon sa kaniyang kaawaan ay kaniyang iniligtas tayo"
Mga Taga-Efeso 2:8-9
"Sapagka't sa biyaya kayo'y nangaligtas sa pamamagitan ng pananampalataya; at ito'y hindi sa inyong sarili, ito'y kaloob ng Dios;
9 Hindi sa pamamagitan ng mga gawa, upang ang sinoman ay huwag magmapuri. "
​
​
​
​
​
​
​
​
​
​
​
​
​
​
​
​
​
​
5.SI HESU KRISTO ANG DAAN, NAGBAYAD SA ATING MGA GINWANG KASALANAN
Nagkatawang tao at namuhay ng tapat sa mundo ng mga tao. Nagpakumbaba at nahumay na isang lingkod, Siya ang kaisa-isang Anak ng Diyos na banal na tumubos sa ating mga kasalanan. Sabi nga sa kasulatan niya..
Mga Taga-Roma 5:8
"Datapuwa't ipinagtatagubilin ng Dios ang kaniyang pagibig sa atin, na nang tayo'y mga makasalanan pa, si Cristo ay namatay dahil sa atin."
I Pedro 3:18a
"Sapagka't si Cristo man ay nagbata ring minsan dahil sa mga kasalanan, ang matuwid dahil sa mga di matuwid, upang tayo'y madala niya sa Dios;"
NGAYON PAANO SI KRISTO ANG NAGING DAAN?
​
6. ANG KAPATAWARAN: PAGTALIKOD SA KASALANAN AT PAGTIWALA SA KANYA
Manampalataya at manalig tayo sa Panginoong Hesus na maglilinis sa ating mga nagawang kasalanan. Sabi sa kasulatan ng Diyos..
Juan 14:6
At sinabi ng Panginoong Hesu,"Ako ang daan, ang katotohanan, at ang buhay walang makapupunta sa Ama sa pamamagitan ko"
at para tanggapin ang Panginoong Hesus ay kailangan mong magsisi sa iyong mga kasalanan na nagawa...
Mga Gawa 3:19a
"Kaya nga mangagsisi kayo, at mangagbalik-loob, upang mangapawi ang inyong mga kasalanan,"
Acts 16:31a
at manampalataya ka sa Pangioong Hesus
Mga Taga-Roma10:13 "Sapagka't, Ang lahat na nagsisitawag sa pangalan ng Panginoon ay mangaliligtas. "
​
​
7. PANGAKO NG DIYOS: BUHAY NA WALANG HANGGAN
Sabi ni Hesus,
Juan 5:24
"Katotohanan, katotohanang sinasabi ko sa inyo, Ang dumirinig ng aking salita, at sumasampalataya sa kaniya na nagsugo sa akin, ay may buhay na walang hanggan, at hindi mapapasok sa paghatol, kundi lumipat na sa kabuhayan mula sa kamatayan. "
ANG KASULATAN NA ITO AY MAY ISANG PANGAKO NA NAHAHATI SA 3 PALIWANAG
Ang taong nanalig sa Panginoon Hesus bilang kanyang Diyos at tagapagligtas ay:
1. May buhay na walang hanggan (sa pamamagitan ng iyong pananampalataya)
2. Hindi na kasama sa paghuhukom (Dahil binayaran na ng Panginoong Hesus ng buo ang kasalanan mo)
3. ay nalagpsan ang kamtayan ay nabuhay na muli (may relasyon na sa Panginoong Hesus)
NAIS MO BANG TANGGANPIN ANG DIYOS BILANG IYONG TAGA-PAGLIGTAS?
KUNG NAIS MO, SUNDIN ANG MGA NASA IBABA...
1. Aminin na ikaw ay makasalanan at hindi mo kayang iligtas ang iyong sarili, humingin ng tawad magsisi at talikuran ang iyong mga kasalanan (tapat ang Diyos para ikaw ay patawarin 1 Juan 1:9)
2. Manampalataya ka sa Panginoong Hesus na namatay para sa iyong mga kasalanan at nabuhay muli sa kamatayan
3. Lumapit ka sa Diyos, tumawag ka sa kanya na hindi mo kayang ilagtas ang iyong sarili.
4. Wag mo na itong ipagpaliban, dahil ngayon na ang araw ng kaligtasan (hindi natin hawak ang buhay natin)
​
kung ikaw ay gumawa ng desisyon na tangganpin ang Panginoon Hesus, nanalig o nanamanpalataya ka sa kanaya na kaya ka niyang ilagtas sa mga kasalanang nagawa mo at sa kamatayan. ikinalulugod po namin na marinig ang iyong kwento.
​
iliham lang po sa ibaba o maari po kaming kontakin (+63 2 8291127)o bisitaihin sa link na ito #6 First St. Area I, UPS 5 Parañaque City
​
​
​






